May palaka sa wallet ng Japanese
Karamihan sa mga Japanese na dumadayong magsugal sa Las Vegas ay may itinatagong maliit na figurine ng palaka sa kanilang wallet na maaaring yari sa origami, metal, beads, felt or even fabric. Malakas ang kanilang paniwala na magbibigay ito sa kanila ng magandang kapalaran. To be exact, may kakayahan ang palaka na ibalik ang perang nagastos. Halimbawa, tuwing may pinagkagastusan ka, bigla na lang may perang darating sa iyo. Kumbaga, bumabalik sa iyo ang perang nailabas mo.
Sa Japanese, ang salitang frog ay “kaeru†na ang ibig sabihin ay “to returnâ€. Pinaniniwalaan ng maraming Japanese na ang pagtatago ng frog figurine sa wallet ay nagreresulta ng magandang kapalaran: “Okane ga kaeru†meaning “money will return.†Kung may kaibigan kang nagpaÂplanong maglibang sa casino o may malaking pagkakagastusan, regaluhan mo sila ng frog figurine na magkakasya sa kanilang wallet “to symbolize their wish that their money will returnâ€.
- Latest