‘May - December Affair’
Dear Vanezza,
Isa po akong biyuda. Ang asawa ko ay 25 anyos lang at ako ay 45. Isang taon na kaming nagsasama pero hindi kasal. Ang kinakasama ko ay isang dance instructor. Nang mamatay ang asawa ko ay masyado akong nalungkot kaya isinama ako ng aking mga kaibigan sa ballroom dancing. Doon ko nakilala ang “asawa†ko. Maligaya kami noong una pero kalaunan ay lumabas ang aking insecurity. Madalas kasi ay nawawala siya ng ilang araw at dahil diyan ay nagseselos ako.
Kapag kinakausap ko siya tungkol dito, pinagtataasan niya ako ng boses. Sabi niya, alam ko naman ang klase ng trabaho niya. Sinasabihan ko siyang tumigil na dahil may maliit naman akong negosyo pero sabi niya, hindi siya sanay na hindi kumikita. Malaki kasi ang income niya na halos P10,000 isang gabi dahil may mga matronang ginagawa niyang sugar mommy. Ano ang dapat kong gawin? - Thea
Dear Thea,
Tama ang ka-live-in mo. Simula’t simula ay alam mo na ang nature ng trabaho niya kaya hindi mo dapat kinukwestiyon ang oras ng kanyang pag-uwi. Tungkol sa pagkakaroon niya ng sugar mommy, hindi malayong mangyari iyan dahil ang mga DI ay kasalamuha gabi-gabi ng mga babae o lalaking lonely hearts. If you can’t live with that, makipaghiwalay ka. Kagustuhan mo na makisama sa kanya kaya anuman ang maging bunga ng iyong desisyon ay dapat handa kang tanggapin. Pero naniniwala akong pansamantala lang ang ligayang nadarama mo sa piling niya at mas nakahihigit ang pighating mararanasan mo sa ganyang relasyon.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest