Sex at diabetes - Last Part
Ang mga sintomas ng urinary tract infections ay
Laging naiihi
Masakit ang pag-ihi
Malabo o mapula ang ihi
Sa babae posibleng makaramdam ng pananakit sa pubic bone
Sa lalaki, pakiramdam ay laging puno ang rectum Kung ang infection ay nasa kidneys, maaaring makaramdam ng hilo, masakit ang likod o tagiliran at magkakalagnat. Ang madalas na pag-ihi ay puwede ring maging senyales ng mataas na blood glucose.
Bakit maraming nabubuntis (1)
Ang mahirap maintindihan ay kung bakit maraming teenager na nabubuntis, nabubuntis ng hindi pa kasal, nabubuntis ng wala sa oras, unwanted pregnancy at ang sinasabi nilang ‘nadisgrasya.’ Napakaraming paraan ma-enjoy ang sex pero hindi mabubuntis ng wala sa oras. Nariyan ang napakaraming uri ng contraception na puwedeng gamitin o gawin para makaiwas sa ‘di inaasahang pangyayari. Importanteng magkaroon ng edukasyon ang lahat ukol sa maingat na pakikipag-sex at pagpaplano ng pamilya. Narito ang iba’t ibang uri ng contraception ayon sa plannedparenthood.com
Abstinence – Tinatawag din itong outercourse. Puwede mong i- enjoy ang lahat ng uri ng sex play basta walang vaginal intercourse.
Birth control pills – Ito ang pinakakaraniwang birth control method na ginagamit dito sa bansa. Iniinom ang pills araw-araw ng walang palya para maging epektibo. Mayroon itong hormones na estrogen at progestin na inilalabas sa katawan para hindi lumabas ang egg sa ovaries. May ibang pills na progestin-only pills. Kumakapal din ang cervical mucus kaya hindi makakarating ang sperm sa egg.
Birth control patch – Ito ay manipis na kulay beige na plastic patch na idinidikit sa balat. Nagdidikit nito sa balat isang beses isang linggo ng tatlong sunod na linggo. Nagrerelease ng homrmone ang patch tulad ng hormones na inire-release ng birth control pills na estrogen at progestin kaya hindi nakakalabas ang egg sa ovaries, kumakapal ang cervical mucus at dahil dito ay walang magaganap na fertilization. (Itutuloy)
- Latest