Malalampasan ba ang Arrhythimia?
May iba’t ibang factor nakakaapekto kung gaano man ang tsansang malampasan ng isang pasyente ang sakit na arrhythmia, isang disorder ng heart rate o pulso, gaya ng mabilis na pagtibok nito (tachycardia) o sobrang bagal (bradycardia) o irregular na pagkilos nito. Ilan sa mga factor ay kung anong uri ng arrhythmia ito? Supraventricular tachycardia (mabilis na pagtibok sa upper chamber-atria) o ang higit na mapanganib gaya ng ventricular tachycardia (mabilis na pagtibok sa lower chamber- ventricles) o ventricular fibrillation (ang pumping ability ng puso o ejection fraction at ang pagkakaroon ng heart disease gaya ng coronary artery disease, heart failure, valvular heart disease; at kung gaano ito madadaan sa gamutan. Ang ilang uri ng arrhythmias ay maaaring maging banta sa buhay ng sino man na may taglay nito, kung hindi mapag-uukulan agad ng pansin. Sa madaling salita, case to case basis na masasabi kung gaano ang tsansa ng isang pasyente para malampasan ang nasabing kondisyon sa balbula ng puso. Gayunman, pinakamainam ayon sa mga expert ay mag-effort na habang maaga para makaiwas sa pagkakaroon ng coÂronary artery disease. Dahil sinasabing sa pamamagitan nito ay maaaring mapapababa ang tsansa sa pagkakaroon ng arrthythmia.
Kabilang sa mga hakbang para dito ay ang pagkakaroon ng well-balance at low-fat diet, regular na pag-eehersisyo at hindi paninigarilyo. Live a healthy lifestyle para maging healthy rin ang inyong puso.
- Latest