^

Para Malibang

‘The Beautiful Ones’ (7)

TALES FROM THE OTHER SIDE - The Philippine Star

“TULOY kayo, mga nilikhang magaganda’t guwapo! Tayo ay manliligalig sa mundo ng mga mapang-api! Ha-ha-ha-ha!” Pinapasok ni Oreo sa kanyang salas ang mga nagmula sa hukay.

Minukhaan niya ang mga ipinabuhay sa demonyo. Tama ba?

“Magpakilala kayo, isa-isa.  Mula sa kanan. Go.”

Nakatingin kay Oreo ang mga nakaupo nang mga panauhin. Lagusan ang tingin ng mga ito, hindi nakapokus. Halatang mga walang buhay.

“Hello, narinig n’yo ba ako? Ako ang panginoon ninyo—my name is Empress Oreo, ay mali—Empress Orea pala, da bading of the century!”

No reaction ang mga bangkay na nabuhay,

“Basta magsalita kayo! Kahit bahaw, kahit paos. Huwag mahiya!”

“Ako …ay dating… asendero. May lahing… Kastila…”

“I was…a prominent Hollywood…actress during…World War 2…”

“Wow, ikaw nga! Nabuhay ka!” Aliw na kinurot ni Oreo sa pisngi ang magandang bangkay.

Pero naghugas agad ng alcohol, nandiri,  naalalang hindi na super-sariwa ang aktres ng pelikulang imported. “Oh my gray shoes! Wala kang mga uod, ha?” “No, Madam… I was… sanitized…” Nagpakilala pa ang iba. Merong sports celebrity. May politician na tisoy, nagsilbi sa senado noong araw. May mga choreographer, beautician, at mga naging beauty queen sa probinsiya. “Ayy, an’saya-saya ko! Puro kayo beautiful people! At kayo’y under ko lahat!” Talagang sagad ang saya ni Oreo.

 Tiyak na gutom ang mga panauhin, naalala niya. “Oorder tayo sa malalaking restaurant, mga alagad ko! Ako na ang bahala!”

Sari-saring pagkain ang inorder ni Oreo. Darating ang delivery in 30 minutes, sakto.

 â€œAmoy lupa kayo, you need a good shower, ladies and gentlemen of the living dead! Vamos sa banyo ko!”

Nagsipaghubad ng lahat ng damit ang mga bangkay na nabuhay, sabay-sabay na naligo.

Lalong naaliw si Oreo. “Wow na wow na woww!” (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

ALIW

AMOY

BRVBAR

EMPRESS OREA

EMPRESS OREO

OREO

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with