^

Para Malibang

Masyadong mahigpit ang bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tama ba na ang isang lalaki’y maghigpit sa kanyang gf at idikta ang lahat ng kanyang gagawin pati pananamit? Naitanong ko iyan dahil iyan mismo ang problema ko sa bf ko. Noong una’y maayos ang aming relasyon. Nagtaka nga ako nang bigla siyang magbago. Tatlong buwan na kaming mag-on ngayon. Pero habang nagtatagal ay nasasakal ako sa kanya. Sa tingin ko’y itinuturing niya akong personal property dahil pati oras ng pag-uwi ko sa bahay namin pagkagaling sa school at ang damit na isinusuot ko ay pinakikialaman niya. Gusto rin niya na lagi akong sinusundo sa school. Ayaw na ayaw din niya na makikita akong may kausap na classmate na lalaki. Mahal ko sana siya pero hindi na ako makahinga sa ginagawa niyang paghihigpit sa akin. Pero kung makikipag-break ako sa kanya, masasaktan ako dahil mahal ko siya. Please help me. - Ms. U

Dear Ms. U,

Ang dahilan ng pakikipagrelasyon ay para lumigaya. Ang tanong, maligaya ka ba ngayon? Hindi tama na ituring kang alipin ninuman kahit pa kasintahan mo. Pang-aabuso na iyan. Kung ngayon pa lang ay ganyan na siya, paano pa kung kasal na kayo at magkasama habambuhay. Ang ganyang uri ng lalaki, ayon sa mga psychologists ay may tendency na manakit ng kanilang partner kapag sobrang nagseselos. Kung gusto mong makawala sa masama niyang trato sa iyo, makipag-break ka. Timbangin mo kung ano ang mas masakit: Ang manatili sa piling ng isang bf na sinasakal ka o makipag-break?

Sumasaiyo,

Vanezza

AYAW

DEAR VANEZZA

MS. U

NAGTAKA

NAITANONG

NOONG

PERO

SUMASAIYO

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with