Diabetes at sex (2)
Kapag nada-damage ang autonomic nerves, nasisira ang normal function. Ang pagbaba ng blood flow ay makakasira rin ng blood vessels at maaaring maging sanhi ng sexual dysfunction.
Erectile Dysfunction - Kapag may diabetes ang lalaki ay maaaring magkaroon ng erectile dysfunction kung saan nagkakaroon ng problema sa erection para sa sexual intercourse. Maaaring mahirapang magkaroon ng erection o i-sustain ang erection.
Retrograde Ejaculation. Maaari ring magkaroon ng retrograde ejaculation kung saan ang semen ng lalaki kapag nag-ejaculate ay bumabalik sa bladder imbes na lumabas sa penis.
Nangyayari ang retrogated ejaculation kapag ang internal muscles na tinatawag na sphincters ay hindi nagpa-function ng maayos.
Ang sphincter ay awtomatikong nagbubukas at nagsasara ng daanan sa katawan.
Kapag pumasok ang semen sa bladder, humahalo ito sa ihi at lumalabas din ito kapag naihi kaya hindi nagkakaroon ng diperensiya sa bladder.
Kapag hindi kinokontrol ang blood glucose, sinisira nito ang nerve na magiging sanhi ng retrograde ejaculation.
- Latest