Flat footed, sakit ba?
Tanong: Sakit po ba ang pagkakaroon ng flat foot? – Eden ng Marikina City
Sagot: Hindi kung ang manipestasyon nito ay mapapansin sa sanggol o bata. Kadalasan kasi sa kanilang edad, hindi pa ganap na nade-develop ang arches. Pero kung mananatiling flat footed ang isang adult, karaniwang itinuturing ito na hindi normal. Lalo na kung may nararanasang pagkirot, tinatawag itong tarsal coalition.
Sa kaso ng tarsal coalition, sinasabing may dalawa o higit pang mga buto sa paa ang nagsasama. Dulot nito ang pagkakaroon ng limitasyon sa pagkilos, na kadalasan ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng flat foot.
Ang pagkakaroon ng flat feet ay iniuugnay sa pronation kung saan nakasandal ang ankle bones (bukung-bukong) paloob o papunta sa gitna.
Pinaniniwalaan din na ang pagkirot ng paa o bukung-bukong at lower leg, lalo na sa mga bata ay sinasabing maaaring magresulta sa pagkakaroon ng flat feet. Kinakailangan itong masuri ng health care provider para sa kaukulang rekomendasyon kung maiko-correct pa ang kondisyong ito.
Sa mga pag-aaral, tinukoy na karaniwang dumaranas ng flat foot ang adult na nasa edad 60 hanggang 70. Ang uri ng flat foot na ito ay kadalasang nasa isang panig lamang.
Ang gamutan sa mga may flat foot ay nakapende sa kung ano ang dahilan ng pagiging flat footed. Kaya magpasuri.
- Latest