^

Para Malibang

‘The lonely Ghost’ (22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

AWANG-awa sina Jake at Menchu kay Clarissa. Nakita nga ng magandang multo ang kasintahan, si Raymundo,  pero matanda na ito—sa Chicago, Taon 1930. Ang masakit pa, nasaksihan ni Clarissa ang pagpatay dito ng masasamang tao.

“Ginoong Jake, Binibining Menchu, tulungan n’yo akong makabalik sa Chicago. Doon ko makikita ang ispiritu ni Raymundo. Sabay kaming papanhik sa Langit, gaya ng aming usapan.”

Bilang ghost chasers, hindi naman alam nina Jake at Menchu kung paano ibabalik sa nagdaang panahon ang sinumang multo.

Pero masasabi ba naman nila ito sa malungkot na multo?

“Binibining Menchu…mayroon bang balakid?  Hindi na ba kami magkikita ng ispiritu ni Raymundo sa Chicago…?”

Sinambit ni Menchu ang klasiko nang sagot. “Clarissa, hope springs eternal. May pag-asa habambuhay…”

“Menchu, mali,” bulong-puna ni Jake.

“Oh my gosh, mali nga ang nasabi ko…”

“Hu-hu-hu-huuu.” Napaiyak na ang multo, sumiksik sa diwa ang ‘may pag-asa habambuhay’.

Nalimutan ba ni Binibining Menchu na siya ay hindi na buhay?

“Clarissa, kuwan…”

“Binibining Menchu, wala na akong pag-asa dahil patay na ako. Iyon ang ibig mong sabihin. Hu-hu-huuu.”

Nasa sidewalk sila sa Hong Kong. Kayda­ming tao na naglalakad, hindi napapansin ang kakaibang drama ng dalawang mortal at isang multo.

“RAYMUNDO, BAKIT GANITO ANG ATING SINAPIT, AKING IROG? HU-HU-HUUU.”

Hindi kontrolado ng multo ang tinig. Napakalakas, nakabibingi. Nayanig-nabigla ang mga taong kalapit.

“WALA NA TAYONG PAG-ASANG MAGKITA, IROG KO…”

Naligalig ang mga tao, nakaamoy ng kababalaghan. Sina Jake at Menchu ay nataranta.

“Clarissa…huminahon ka, please.”

Biglang nagpakita sa lahat ang magandang multo.

“EEEEE!” Tilian. Nabulabog ang mundo ng mga Intsik. (2 LABAS)

 

vuukle comment

BINIBINING MENCHU

BRVBAR

CLARISSA

GINOONG JAKE

HONG KONG

HU

MENCHU

MULTO

RAYMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with