‘The lonely ghost’ (19)
NATUTUWA si Clarissa na hindi siya nawawala sa puso ni Raymundo, kahit pa nga ito ay matanda na. Natatandaan ng kasintahan na kapag sila’y patay nang pareho, sabay silang aakyat sa kaharian ng Diyos.
Sapat na iyon kay Clarissa sa mga sandaling iyon. wala siyang kapagurang maghihintay sa pagpanaw ni Raymundo.
Napaigtad siya, kinabahan. Bakit ba biglang naisip ni Raymundo na ito ay mamamatay na? May panganib ba sa buhay nito sa kinaroroonang ibang bansa? May malubha bang sakit?
Muli niyang inaÂlam ang nasa isip ng kasintahan. Malinaw niyang nabasa ang diwa nito. “Kapag minalas ako ngayon, mapapatay ako dito sa Chicago. Bangkay akong iuuwi sa Pilipinas.â€
Nayanig si ClarisÂsa. Hindi siya natutuwa na si Raymundo ay mapapatay—hindi basta mamamatay sa natural na paraan.
Niyakap niya itong muli, ayaw niyang may papatay kay Raymundo; labag iyon sa kalooban ng Diyos, alam ni Clarissa.
Natandaan niya ang ngalan ng lugar na binanggit ni Raymundo sa isip. Siya pala, sila ni Raymundo, ay nasa Chicago.
Pero bakit nangangamba si Raymundo na ito ay mapapatay? Sino ang papatay? Bakit papatayin ang kanyang mahal? Mga tanong ito sa isipan ng malungkot na multo.
Muling tumingin sa orasang pambisig si Raymundo. Nabasa ni Clarissa ang nasa isip nito. “Darating na ang epektos. Itatakbo ko agad sa aming sasakyang naghihintay sa kanto. Ilalaban ko ng patayan ang epektos sa sinumang aagaw.â€
Kinilabutan si Clarissa, laluna’t nakita niyang inilabas ng kasintahan ang mahabang sandatang pumuputok.
Marahas na ba ang buhay ni Raymundo? Makikipagpatayan kapag daw may aagaw ng ‘epektos’? Ano ba ang ‘epektos’ na sinasabi ni Raymundo? Sunud-sunod na naman ang mga tanong sa diwa ng multo.
Napatayo si Raymundo nang makita ang palapit na sasakyang itim. “Here! I’m ready, guys!†sigaw nito sa nasa sasakyan.
Sinalo ni Raymundo ang malaking leather bag. Blag.
May dumating na isa pang sasakyan, mabilis. Pinaulanan agad ng bala si Raymundo. Bratatatat-tatatt.
Napatili si Clarissa. EEEEE! (Itutuloy)
- Latest