‘The lonely ghost’ (18)
LUHAANG nakayakap sa may-edad nang PiliÂpino si Clarissa. Dama ng nangungulilang multo na ang lalaki ay si Raymundo. Kahit matanda na ito ay mahal na mahal pa rin niya.
“Raymundo, kaya pala hindi ko matagpuan ang iyong ispiritu--dahil buhay ka pa…sa panahong ito,†masaya-malungkot na sabi ni Clarissa; nananatiling hindi siya nararamdaman ni Raymundo, hindi rin naririnig.
“Irog, kailan ka ba mamamatay?†sinserong tanong ni Clarissa.
Siya rin ang nakapansin na iyon ay tanong na hindi gugustuhin ng kasintahang buhay na buhay pa.
Lalo pa nga at alam naman nila ni Raymundo na ang buhay ay napakahalaga. Isa itong handog ng Diyos na dapat ingatan.
“Pasensiya ka na, Raymundo…labis lang naman kitang pinananabikang makasama na sa kabilang buhay. Napakalungkot kapag wala ka pa…â€
Panay ang tingin ni Raymundo sa orasang pambisig, napansin ni Clarissa. At bakit parang kinakabahan ito?
Bilang ispiritu, si Clarissa ay may power na makarinig ng isipan ng taong buhay.
Natukso siyang alamin ang laman ng isipan ng kasintahan. “Bakit pakiramdam ko, hindi na kami magkikita ni Marietta?â€
Napaigtad si ClarisÂsa. Sino ba si Marietta sa buhay ni Raymundo?
Para namang sinagot ang tanong niya “Marietta, kung sakali at hindi na ako makaÂbabalik—sana ay huwag mong pababayaÂan ang ating mga anak…â€
Nakaunawa si Clarissa. Asawa at mga anak ang nasa isip ni Raymundo. Gustong sumama ang loob niya. Wala na ba siya sa puso ng kasintahan?
“Sakali pala, magkikita na kami ni Clarissa—sa langit. Iyon ang aming usapan ng dalagang una kong minahal…â€
Napalunok si Clarissa, napaluha. Labis na nagpaligaya sa kanyang puso ang mga sinabi ni Raymundo sa isipan nito.
Hindi pala nalilimutan ng kasintahan ang kanilang usapan. Na sila ay magkakasama sa buhay na walang hanggan—sa Paraiso ng Diyos.
Muli niyang niyakap ang lalaking pinakamamahal. Lagi niya itong hihintayin sa kabilang buhay.
(ITUTULOY)
- Latest