Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na 8,000 katao ang namatay noong Setyembre 8,1900 sa Galveston, Texas dahil sa hurricane o buhawi? Tumaas ang alon ng 15-talampakan at ang hangin nito ay may lakas na 130 mph. Sinalanta nito ang mga kabahayan sa nasabing isla. Ang pinakamatagal na hurricane na nanalasa at nanatili sa Eastern at Western part ng Pacific Ocean ay si hurricane John noong 1994. Ang silver ang isa sa mga kilalang element na kauna-unahang ginamit ng tao sa mundo. Ang bansang Argentina ay mula sa latin name ng silver na “Argentumâ€. Mayroong 1,740,000 silver ang nadiskubre sa buong mundo noong 2007. Mahusay din gamitin ang silver sa pagpapanatili at pagkuha ng init at kuryente. Ikalawa ang silver sa gold bilang element na “malleable†o malambot at magandang hubugin. Ang isang butil ng silver ay maaaring makagawa ng 150 piraso na mas manipis pa sa papel.
- Latest