‘The lonely ghost’(11)
BABALIKAN ni Clarissa ang sariling panahon nila ni Raymundo.
“Kung buhay lang sana ako, ibabalita ko sa aking mga kababayan na narating ko ang hinaharap sa Taon 2013. Isa itong kababalaghang walang pangalawa, Binibining Menchu at Ginoong Jake.â€
“God speed, Clarissa,†sabi ni Menchu sa malungkot na multo.
“Salamat. Kayo rin, patnubayan kayo ng Diyos.â€
“Sakaling ipasya mong dalawin kami, hanapin mo na lang kami sa Ghost Chasers Association, Clarissa,†paalala ni Jake.
Pinagkukunan nila ng litrato ang malungkot na multo, kasama sila.
Natuwa ang dalawang ghost chasers dahil rumehistro sa kanilang digital camera ang kuha ng multo.
“May maipakikita na kaming ebidensiya, na totoo ngang nag-e-exist ang multo; that there indeed is a life after death.â€
“Paalam na, mga kaibigan.†Pumunta na sa katabing dagat ang multo, naglakad muna sa ibabaw ng tubig saka tuluyan nang naglaho.
“Oh my gosh…hindi tayo nananaginip lamang, ha, Jake?â€
“No, hindi, tunay at totoong na-encounter natin si Clarissa, bilang multong mula sa 1890s.â€
ANG multo ni Clarissa, sa daang pabalik sa lumang panahon, ay napapunta sa Quiapo, noong 1970s. Panahon ng halalan.
Panay ang buntunghininga ni Clarissa. Hindi niya sinadyang sa maling panahon na naman mapadpad.
Namataan niya ang simbahan ng Quiapo.
Maraming tao na nagyayaot sa paligid ng simbahan.
Nakita niya ang mga istatwa ng mga santong mukhang mga banyaga, karamihan ay hawig sa mga prayle noong 1890s.
Matahimik siyang pumasok sa simbahan, lumapit sa may altar.
Palinga-linga siya, umaasam na sana tulad niya ay naroon din si Raymundo, naligaw din sa paghahanap naman sa kanya.
Inaasahan na niyang sa panahong iyon ay matagal na ring patay ang nobyo. “Raymundo… bakit hindi tayo magkita aking irog?â€
Inabot ng gabi si Clarissa sa Plaza Miranda, di-kalayuan sa simbahan. May entablado doon na merong nagtatalumpati. Nabasa niyang miting de-abanse iyon.
Biglang may sumabog. BLAAMM. (Itutuloy)
- Latest