Peligro ng aneurysm: Kailan dapat maalarma?
Last Part
Ayon sa mga expert, ang mga palatandaan at sintomas ng aneurysm ay nakadepende sa lokasyon kung saang bahagi ng katawan ito nararanasan. Pero may mga kaso na walang anumang manipestasyon ang sakit. Pero kapag pumutok ang aneurysm, magkakaroon ng internal bleeding na maaaring magdulot ng pagkirot, low blood pressure, mabilis na heartbeat at pagkahilo.
Kapag ang aneurysm ay nangyari malapit sa surface ng balat, sinasabing makakaranas din ng pananakit, pamamaga na may pamumuo ng laman sa bahaging apektado.
Pinaniniwalaan na ang ilan sa mga sanhi ng aneurysm ay ang maaaring resulta ng pagkakaroon ng depekto pagkapanganak o congenital, puwede ring dulot ng iba pang sakit gaya ng hypertensive vascular disease at atherosclerosis o pamumuo at pagdami ng taba sa mga ugat o kaya’y dulot nang nakaraang trauma sa bahagi kung saan dumaranas ng aneurysm.
Ang pagkakaroon naman ng high blood pressure, mataas na cholesterol levels at paninigarilyo ay magpapalala sa panganib para dumanas ng aneurysm ang isang tao.
Pero ang dapat obserbahan sa taong may aneurysm, ayon sa mga expert ay ang mga pinaniniwalaang seryosong sintomas ng sakit. Kabilang sa mga dapat bantayan ay ang maaaring pagdanas ng matinding pananakit sa bahagi ng sikmura, pelvic o lower back ng pasyente; paglabo ng paningin o pagkakaroon ng double vision, pagkalito o pagkawala ng malay nang ilang saglit, hirap sa paglunok, nabubulol o hirap sa pagsasalita, pagkamanhid o pagka-paralize ng isang panig ng mukha, mabilis na paghiÂnga (tachypnea o shortness of breathing, mabilis na heart rate (tachycaradia) at matinding pananakit ng ulo na hindi pa diraranasan sa buong buhay. Sa mga pagkakataong ito, tiyakin na makahingi agad ng tulong sa professional health care provider.
Pero nabanggit natin mga panganib kaugnay sa pagkakaroon ng aneurysm ay puwedeng maiwasan. Dahil napatunayan na sa maraming pag-aaral na nagkaroon na ng matagumpay na gamutan para sa nasabing sakit. Kailangan lang ay ang seryosong pagdisiplina para sa pagkakaroon ng pagbabago sa lifestyle, high blood pressure manaÂgement o kaya’y surgery. Hingin ang ibayong gabay ng inyong doctor tungkol dito.
- Latest