^

Para Malibang

Natatakot sabihin ang totoo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako si Terry, 26 years old. Hiniwalayan ako ng mister ko at sumakabilang-bahay. Isang anak na lalaki ang iniwan niya sa akin na mag-isa kong ina­aruga ngayon. Grade five na siya nitong pasukan. Madalas akong tinatanong ng anak ko kung nasaan ang tatay niya. Lagi kong sinasabi na patay na siya. Pero hinahanap-hanap pa rin siya ng anak ko. Kasi noong magkasama pa kami, masyado siyang malapit at malambing sa anak namin. Anim na taong gulang pa lang ang anak namin nang iwanan niya ako at gabi-gabi ay umiiyak ang bata. Nang lumaon ay medyo nakalimot na yata pero may pagkakataong hinahanap pa rin niya ang ama niya. Dapat ko bang panatilihin sa isip niya na patay na ang tatay niya?

Dear Terry,

Kung sasabihin mong patay na ang asawa mo sa iyong anak ay nagsisinungaling ka at hindi maganda ang magiging epekto nito sa bata. Maaga pa lang ay sabihin mo na ang totoo at baka sisihin ka pa niya kapag nalaman na niya ang katotohanan. Walang lihim na naitatago habambuhay. Hindi masamang magsabi nang tapat. Ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon para maunawaan niya kung bakit hindi n’yo na kapi­ling ngayon ang kanyang ama.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANAK

DAPAT

DEAR TERRY

DEAR VANEZZA

HINIWALAYAN

IPALIWANAG

ISANG

KASI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with