‘The lonely ghost (9)’
HINDI mapigil nina Jake at Menchu ang excitement, ngayong kaharap na nila ang tunay na multo. Bilang ghost chasers, ito ang unang pagkakataon na makaugnay nila nang harapan ang isang patay na.
Bale ba ay nabuhay pala ang magandang multo sa panahon ni Rizal, noong mag-aalsa na ang mga Katipunero laban sa mga Kastila.
“Gusto ko kayong makilala, mga kaibigan,†malumanay na sabi ni Clarissa sa dalawang kabataang mortal.
“Ako si Jake at ito namang maganda kong kasama ay si Menchu,†pakilala ni Jake sa multo.
Natigilan si Clarissa. “Pati pangalan ninyo ay kakaiba. Walang ganyan sa pinagmulan kong bayan.â€
“Tinawid mo ang maraming dekada, Miss Ghost. Normal lang na laging may pagbabago.â€
“Tinawid ko ang mga dekada, ginoo? Hindi ko maunawaan…â€
“Miss Ghost, matagal nang bahagi ng history ng Pilipinas ang naganap sa kapanahunan mo,†matiyagang paliwanag ni Jake.
Iiling-iling si Clarissa. “Imposible. Hindi ako makapaniwala. P-parang kahapon lamang na kami ni Raymundo ay pinaglayo ni Kamatayan…â€
Kaydami-daming nais itanong nina Jake at Menchu. Nakaupo pa rin sa seawall ang magandang multo; sila ay nakatayo, paharap sa dagat.
“Ano naman ang iyong pangalan?†Nagtanong si Menchu.
“Clarissa Cortez, taga-Laguna, 1899 nang mamatay ako sa piyorya.â€
“Ano ‘yon, Clarissa?†Hindi alam ni Menchu; hindi rin alam ni Jake kung ano ang piyorya.
“Sakit sa gilagid. Napabayaan.†BumaÂlatay ang lungkot sa mukha ni Clarissa. “Naiwan ko tuloy nang wala sa panahon si Raymundo, ang pinakamamahal kong kasintahan…â€
Nagkatinginan sina Jake at Menchu. Nakadama ng awa sa multo.
Hindi nakikita ng mga tao sa paligid ang multo ni Clarissa.
“Ano ba ang inyong taon?†Si ClarisÂsa naman ang nagtanong, bakas ang lungkot sa mukha.
“Tayo ay nasa bagong milenyo, Clarissa. 2013 na ngaÂyon.â€
Napailing ang multo, napaluha. “Naligaw ako ng panahon. Wala dito si Raymundo. Imposibleng narito siya.†(ITUTULOY)
- Latest