‘The lonely ghost’(7)
ANO ba ang cell phone? Ano ba ang ‘mag-text’? Mga tanong ito sa diwa ni Clarissa the Lonely Ghost. Siyang nabuhay at namatay sa panahon ni Rizal ay walang kamalayan sa modernong daigdig.
“Jake, hindi natin alam kung marunong mag-cell phone ang multo. Turuan mo siguro para tiyak,†payo ni Menchu sa kapwa ghost chaser.
“Ghost, naka-on na ang cell ko. Pindutin mo lang ang equivalent ng nais mong i-text sa akin. Like this, o.†Idinemonstrate nga ni Jake ang paraan ng pag-text. “Tell me kung sino ka, ghost.â€
Parang taong bundok sa narinig si Clarissa. NabigÂla siya sa munting bagay na siya daw gagamitin niya para makipag-usap sa buhay na tao.
Alam pala nito na kahit siya’y ispiritu, magagawa niyang pindutin ang mga letra at numero?
“Ghost, basta i-try mo. Kaya mo ‘yan.â€
Ayaw ni Clarissa. Mas nais niyang makausap na ang buhay na tao.
Pipilitin niyang kontrolin ang lakas ng kanyang tinig, para hindi mayanig ang buhay na tao.
“Jake, nagkakamalay na si Manong!†biglang sabi ni Menchu, nahihimasmasan na nga ang lalaking nakakita kay Clarissa.
Nakita ni Clarissa na natauhan na ang manong. Ano ba ang uunahin niya—alamin kung paano siya nakita kahit hindi naman siya nagpakita?
“Ginoong katabi ko…naririnig mo ako?†Kay Jake siya nakipag-usap.
Kinilabutan si Jake. Nasagap niya ang napakahinang tanong ng nagmumulto. Tama ang magbabalut—babae ito. “Oo, ghost, napakahina ng tinig mo pero dinig ko! I’m very glad! Kahit di kita nakikita, dama kong…mabait ka.â€
“Ako ba’y nasa Filipinas?†tanong ni Clarissa, nakaupo pa rin sa ibabaw ng seawall.
Tama na naman ang magbabalut. Nagtanong nga ang multo kung nasaang lugar, natiyak ni Jake.
“Oo, Miss Ghost, ikaw ay nasa Pilipinas. P ang spelling ng Pilipinas, hindi F.â€
“Bakit ibang-iba na? Hindi kami pamilyar dito ni Raymundo. Pati pananamit at kapaligiran, banyaga na...â€
Nakaunawa si Jake. Sabi ng magbabalut ay nakabaro’t saya ang multo? “Ano bang taon sa pinanggalingan mo, Miss Ghost?†ITUTULOY
- Latest