9 Tips sa Paggamit ng Lucky Red (2)
6—Kung ang bahay mo ay “For Saleâ€, magdispley ng red flowers na nasa vase at ilagay sa salas or dining room. Ito ay malakas magpaakit ng buyers. Laging buksan ang ilaw sa likod ng bahay. Hayaan din may open space sa South sector. Magdudulot ng hangin ang pagkakaroon ng open space. Dahil sa hangin, lalong lalakas ang apoy (red energy). Di ba’t pinapaypayan natin ang uling upang lumakas ang apoy kapag ito ang ginagamit nating panggatong sa pagluluto?
7—Lagi dapat naka-on ang lamp shade na nakapatong sa south portion ng iyong office table upang kilalanin ng management ang iyong kasipagan. Iyon ay kung totoong hardworking employee ka. Magdagdag ng halaman para magkaroon ng extra boost. Ang halaman ay wood energy. Ang ilaw ay fire energy. Wood feeds fire. (Itutuloy)
- Latest