^

Para Malibang

Paano mako-control ang blood sugar?

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Last Part

Ang totoo pa, ang pagpapanatili ng balanseng diet at matalinong pagpili ng mga kombinasyon ng iyong kinakain, lalo na para sa mga diabetic ay hindi naman magdudulot ng napakaraming bawal.

Napakahalaga na maiwasan ang mga pagkain na magdudulot ng agarang pagtaas ng blood sugar. Halimbawa nito ay ang mga processed sweets, na madaling napupunta sa bloodstream. Ang tinatawag naman na complex carbohydrates ay naglalabas din ng sugar sa dugo, pero nangyayari ito nang dahan-dahan kaya hindi ito bubulaga nang isang bagsakan lang sa katawan. Sinasabi rin na pwede naman ang pagkonsumo ng fats hangga’t matitiyak na galing ito sa healthy resources.

Ang diet na mayaman sa fiber at protein ay importante para sa mga may diabetes. Ang mga pagkain ay dapat i-match sa paraan na hindi ito magdudulot nang mabilis na pagtaas ng kanilang blood sugar. Isang magandang hakbang para dito ang pakikipag-ugnayan sa mga nutritionist.

Pero ang pinaka-disiplina pa rin para sa diet ay ang moderation o kontroladong pagkonsumo. Dahil kung matutunan ito, hindi kailangan tanggalin sa inyong diet ang mga paborito ninyo. Mahalaga rin ang pag-e-exercise, ayon sa mga expert, na makakatulong para maiwasan ang komplikasyon at mapanatili ang pangkalahatang estado ng kalusugan.

Maganda rin ikonsidera ang natural remedies, para malimitahan ang blood sugar. May mga herbs na makakatulong para mai-proseso ng katawan ang glucose at mabigyan ang katawan ng remedyo para sa mga sintomas ng sakit na diabetes. Hingin ang gabay ng inyong pinagkakatiwalaang doctor tungkol dito.

 

DAHIL

HALIMBAWA

HINGIN

ISANG

LAST PART

MAGANDA

MAHALAGA

NAPAKAHALAGA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with