‘The lonely ghost (5)’
NAGAWA ng nangungulilang multo na huwag magpakita sa mga tao sa tabing dagat. Pero hindi niya matutunang huwag marinig ng mga ito.
“HU-HU-HUUU… RAYMUNDO, MAAWA KA SA AKIN…MAMAMATAY AKO SA DALAMHATI, IROG.â€
Mamamatay daw siya…Nalimutan ni Clarissa na siya ay patay na.
Ang malakas niyang tinig, pati ang pagnguyÂngoy ay lumutang sa hangin nang gabing iyon.
Nabagabag ang mga tao. Alam na hindi nagmumula sa anumang loudspeaker ang narinig.
Isang lalaking may 6th sense ang nakakita sa ispiritu ni Clarissa.
“M-merong multo!†sigaw ng lalaki, obvious na dinaig ng takot.
Naalarma ang mga tao roon. Mga magkasintahan, mga pamilyang nagpapahangin, mga nagtitinda. Nanlalaki ang mga matang nakiramdam. .
“N-nasaan, amang?†tanong ni Lola, nangalog ang baba.
“Pare ko, huwag kang magbiro. Baka mapaanak nang wala sa oras ‘tong misis ko.†Nagbabanta na halos ang mister ng buntis.
Narinig-nakita ni Clarissa ang nagaganap; lumilikha na naman pala siya ng takot at agam-agam.
Hindi niya maunawaan kumbakit may isang nakakita sa multo niya. Hindi niya alam na may taong may ekstrang ‘mata’.
“H-Heto po siya sa harapan ko, m-mga kabayan. M-magandang dalagang naka-costume…n-naka-Spanish gown with butterfly sleeves…â€
Kinikilabutan pero ayaw pang magtakbuhan ng mga tao. Wala talaga silang nakikitang multo.
“HUWAG MO SILANG TAKUTIN, GINOO, UTANG NA LOOB.â€
pakiusap ng magandang multo, mala-loudspeaker na naman ang tinig.
Natural, muli siyang narinig ng mga tao.
Nangalisag na ang balahibo ng mga ito, sinakop na ng takot.
Kanya-kanya nang alis. May mabilis na nakalayo. May daÂhan-dahan na pigil ang pagtili; merong kasing putla na ng papel.
Sisigaw na sa sindak ang lalaking may 6th sense pero naagapan ni Clarissa ang bibig nito.
Kaylamig ng kamay ng multo, nadama ng lalaki. Hinimatay ito. Unnn. Padating sina Jake at Menchu. Na-detect ng ghost locator nila ang presencia ni Clarissa.
ITUTULOY
- Latest