^

Para Malibang

Ayos ang buto-buto kapag... (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Marami ang ginagampan ng buto sa ating katawan, kasama na rito ang pagbibigay ng structure, proteksiyon sa mga organs, pag-iistablisa sa muscles at pinag-iimbakan calcium. Kaya mahalagang mapanatili itong malusog.

Ipinapaliwanag ng mga health care expert, na importante mag-effort na sa papapalakas ng buto habang nasa childhood stage pa lamang, maging sa adolescence stage. Pero kahit na nasa adulthood na ay may mga paraan pa rin para mapangalagaan ang buto.

Ang dahilan nito, nasa nasabing yugto nakasalalay kung gaano katibay o katatag ang matatamo ng inyong buto ( tinatawag itong peak bone mass) bago pa dumating ang edad na 30.

Nakasalalay sa peak bone mass ang level ng pagrupok at paghina ng buto habang siya ay tumatanda. Pero hindi naman dapat ika-paronoid ang reyalidad na ito. Dahil may iba’t ibang rekomedasyon naman ang mga expert para maging ayos ang buto-buto.

Kinabibilangan ito ng masaganang calcium diet. Para sa mga nasa adult stage, may edad mula 19-50, sa kalalakihan na nasa 51-70 ang recommended dietary allowance (RDA) ay 1,000mg ng calcium kada araw. Ayon sa mga expert, tumataas ito ng 1,200mg kada araw para sa mga kababaihan pagsampa ng 50 anyos habang 70 anyos naman para sa mga kalalakihan.

Sakaling hindi nagiging madali para sa inyo ang pagkakaron ng calcium rich diet ( dairy products, almonds, broccoli, canned salmon na may buto, sardinas at mga soy prducts), hingin ang payo ng inyong pinagkakatiwalaang doctor para sa magandang calcium supplements. (Itutuloy)

AYON

BUTO

DAHIL

IPINAPALIWANAG

ITUTULOY

KAYA

KINABIBILANGAN

PARA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with