Kumain, ngunit di ka tataba?
Maraming nagkakaproblema paano mapanatili ang sexy/macho body, lalo na sa mga babae. Ang iba, pakiramdam nila, kahit anong kanilang gawin ay hindi bumababa ang kanilang timbang habang ang ilan naman, kahit isang bandihadong pagkain ang kanilang kainin araw-araw ay hindi naman tumataba. Pero, sa totoo lang, mas maraming nagnanais ng payat o slim na katawan. Paano nga ba pumayat ng halos wala ka naman “effort†na gagawin? Narito ang ilang paraan:
Magkaroon ng konsentrasyon – Maraming tao ang mahilig kumain sa tapat ng telebisyon o kumain ng may kasabay. Dahil dito, hindi nila napapansin na marami na pala silang nakakain. Dapat ay tiyakin mong ang buong atensiyon ay nasa pagkain, kapag ganito agad na mabubusog. Iwasan mo rin na makinig ng mga mabibilis na music dahil nakakaapekto rin ito sa iyong pagkain at mapapabilis din ang iyong subo, ang resulta, madami ka ng nakakain.
Amuyin at nguyain ang pagkain – Bago ka kumain, mas mabuting amuyin muna ang pagkain at nguyain itong mabuti. May ilang hormones na nagbibigay ng signal sa utak habang ikaw ay patuloy na ngumunguya.
Kumain ng mabibigat sa tiyan na pagkain – Simple lang ang dahilan kung bakit kailangan mong kumain ng mabibigat sa tiyan na pagkain, ito ay upang agad kang mabusog. Kumain ng pasta sa halip na popcorn o prutas sa halip na burger.
Magkaroon ng tamang oras ng pagtulog – Kapag ang iyong katawan ay kulang sa pagtulog tumataas ang “ghrelin†nito at nababawasan ang “leptinâ€. Ang mga hormones na ito ay importante sa appetite ng iyong katawan.
Uminom lagi ng tubig – Tiyakin mong sa loob ng isang araw ay nakakainom ka ng walong baso ng tubig. Uminom ng dalawang basong tubig bago kumain at mararamdaman mong busog ka na bago kumain.
Kumain sa maliit na plato – Kung ikaw ang tipo ng tao na sanay kumain na puno ng pagkain ang plato, bakit hindi ka gumamit ng maliit na plato para kahit punuin mo ito ay tiyak na kakaunti pa rin ang iyong makakain.
- Latest