‘Haunted hospital’ (23)
BUMATI ang mabait na multo ni Dr. Medina. “Hello po, Nurse Armida. Hindi po ako nananakot.â€
Napaigtad ang may-edad nang nurse, kinikilabutan. “H-hello rin po.â€
“Mag-oopera po tayo ng malulubhang pasyente; ‘yun pong mga walang-wala, Tayo po ang huling pag-asa nila.â€
“O-opo nga po, Dr. Medina. Bahagi naman po talaga ng advocacy ng Hope na makatulong sa mahihirap, kaya nga suportado tayo ng cash donations ng mayayaman na gustong—â€.
“—Na gustong ano, Nurse Armida, pakituloy.â€
“Mayayaman pong donors na g-gustong sa Langit mapapunta kapag namatay. Kuwan po, bale ginagawa nilang pases sa Paraiso ang kanilang pera—kahit pa nga sila naman ay mga corrupt at super-makasalanan.â€
Natitigilan sina Nurse Olga at Dr. Medina. Kaytapang ng mga salita ng may-edad nang nurse.
“With all due respect, Nurse Armida, tinitiyak ko sa iyo—hindi nabibili ng salapi ang daan papunta sa Heaven.â€
“Ayy, gano’n po? Salamat naman, Doc. Galit ako sa mayayamang pati Langit e nais bilhin, pasensiya na po.â€
KRALANK-KALANK-KLANGG.
Kaylakas-lakas ng ingay na dinig sa buong Hope Hospital. Napatanaw sa 2nd floor ang multo at ang dalawang nars.
“A-ano ‘yon?†Napatingin kay Nurse Olga ang may-edad na nars
“May masasamang ispiritung bagong dating,†halos bulong ng multong doktor.
Bago nakaimik ang dalawang nars, naglaho nang bigla si Dr. Medina.
Naglabasan sa pasilyo ang mga bantay ng pasÂyente, nabulabog sa malakas na ingay, naligalig.
“May sumabog ba?â€
“Binomba na ba tayo?â€
“Hindi ho, walang bomba, kumalma muna kayo.†Hindi sinabi ng dalawang nars ang tungkol sa bad spirits.
SA 2nd floor, yanig sa dami ng kaaway si Dr. Medina. ITUTULOY
- Latest