Paano matutulungan ang na-trauma?
Last Part
Ayon sa mga health care expert, kasama sa mga trauma treatment at healing ay ang paggunita sa lahat ng kaugnay sa trauma, kasunod nito ang tinatawag na fight-to-fight energy kung saan kailangan paglaban ng pasyente ang negatibong emosyon at mga alaalang hatid ng trauma, ang pagkatuto ng mga hakbang para mangibabaw ang isang matatag at malakas na emosyon at ang pagtulong sa isang taong na-trauma na bumuo uli ng kakayahang magtiwala sa ibang tao.
Ang ilan sa mga therapy kaugnay sa trauma ay ang mga sumusunod:
Somatic experiencing- ginagamit dito ang unique na kakayahan ng katawan para mapagaÂling ang kanyang sarili.
EMDR (Eye Movement Desensitization and Reprocessing)- kung saan iniuugnay naman ang mga elemento ng cognitive-behavioral therapy sa mga galaw ng mata o iba pang uri ng rhythmic, left-right stimulation.
Cognitive behaÂvioral therapy- nakakatulong naman ito para maidaan sa proseso at masuri ang kaisipan at damdamin tungkol sa trauma.
Ipinapaliwanag ng mga expert na ang pagka-recover sa trauma ay nangangailangan ng sapat na panahon. Kaya hindi dapat puwersahin ang isang tao na makakawala sa kanyang trauma. Ang pagmamahal at pasenÂsiya ng sino man ay mahalaga para sa yugto ng paggaling ng taong na-trauma.
- Latest