Mahal ko pala siya...
Dear Vanezza,
I’m Crissy, 28. Tila totoo ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Mayroon akong naging manliligaw noon siya si Richard. Ginawa niya ang lahat para ma-in-love ako sa kanya. Sa katunayan, boto sa kanya ang aking buong pamilya at mga kaibigan dahil nakikita sa kanya na siya ay isang responsableng tao. May kakayahan na bumuo at magtaguyod ng pamilya. Kaya lang noong panahong ‘yun ay wala akong nararamdaman sa kanya. Minsan nga dahil sa sobrang pagkairita ko sa kanya ay napadalhan ko siya ng message sa facebook na talaÂgang kaibigan o kapatid lang ang tingin ko sa kanya, kahit pa sobra ang pag-aasikasong ibinibigay niya sa akin kapag magkasama kami sa mga pag-akyat sa bundok at iba pang pasyalan. Nabalitaan ko na lang isang araw na ikinasal na siya. Nasaktan din ako noong malaman ko ito at parang dito ko lang na-realized na mahal ko pala siya. Ngunit wala na hindi ko na siya muling makakasama. Tama ba na hindi na nga ako makipagkaibigan sa kanya? Dahil nasasaktan pa rin ako. Sana kinapulutan ng aral ang karanasan kong ito. Salamat po.
Dear Crissy,
Pangkaraniwan ng nararanasan ng marami ang magsisi sa huli lalo na sa larangan ng pag-ibig. Kung talagang hanggang ngayon ay hindi ka pa maka-move-on, mas makabubuti sa’yo na ihinto muna ang pakikipagkaibigan sa kanya. Tandaan mo, maganda man o hindi ang pangyayari sa buhay ng isang tao, lahat ay may katapusan. Kaya kung nasasaktan ka ngayon, isipin na lang na ito ay may hangganan at darating ang araw na makikilala mo ang isang taong muling magpapangiti sa’yo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest