‘Haunted Hospital’ (5)
SA UNANG linggo ni Olga bilang nurse sa Hope Hospital, wala siyang naengkuwentrong multo; maging kakatwang kaluskos ay wala.
Ikinatuwa nina Doktor Robles at Nurse Armida ang pangyayari; natakot daw kay Nurse Olga ang mga multo. “Mabuti naman, mapapanatag kahit paano ang mga pasyente.†“Alam mo bang may inatake na sa puso at namatay dahil sa multo rito, iha? Ang may kasalanan, bad spirit.â€
“Ibig n’yong sabihin, dok, merong bad spirit dito at may good spirit?â€
Si Nurse Armida ang nagpaliwanag. “Tama ka, Nurse Olga. Ang masasamang ispiritu, nanaÂnakot para makapinsala; ‘yun namang mababait na multo—nagsasabog ng amoy ng mababangong bulaklak at sabon na panlaba. Minsan amoy naman ng dama de noche at ilang-ilang.â€
“Wow! Talaga ho?â€
“Yes, Nurse Olga. Sana nga, puro good spirits na lang kung sakali.â€
Sumali sa usapan ang matandang doktor. “Pero merong isang pagkakataon na habang nag-oopera ako ng pasyente, ang halimuyak na pumuno sa OR e hindi ko matiyak kung mula sa bad or good spirit.â€
Na-curious ang dalaga. “Bakit po, dok—ano ba hong amoy?â€
“Amoy panis na kaning baboy! Masuka-suka ako!â€
Naaaliw si Olga sa halip na natatakot. “Dok, walang nakakagusto sa amoy ng panis na kaÂning baboy—kaya most likely bigay ‘yon ng bad spirit.†“Siguro nga, iha. Pero may problema pala tayo…â€
“Ano ho ‘yon?†tanong ni Olga; si Nurse Armida ay alam na ang tinutukoy ng doktor.
“Dumami ang pasyenteng naka-confine. Tatatlo tayo—sila ay tatlumpo na. Toxic.â€
Kanina pa rin napansin ni Nurse Olga ang bilang ng mga pasyente—na ibig sabihin, sila ni Nurse Armida ay nakatoka sa tig-15 patients.
“Nakakapagod, dok,†nasabi ni Nurse Armida. “Pero kakayanin ko, nakakaawa naman ang mga pasyente.â€
“Ako rin po, dok, kakayanin ko! Nasa abilidad lang ho ‘yan. May mga bantay naman sila.†Desidido si Nurse Olga.
WALA sa hinagap ni Nurse Olga, makakaengkuwentro siya ng napakasamang multo. (ITUTULOY)
- Latest