^

Para Malibang

May karapatan din lumigaya

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Mitchy. Umabot ako sa edad na 43 nang single dahil naging abala ako sa pagpapaaral sa aking dalawang pamangkin na ulila na at ako lang ang puwedeng umaruga sa kanila. Bata pa lang sila nang mamatay sa aksidente ang kanilang mga magulang. Ngayon ay magtatapos na sa college ang isa at ang isa ay next year pa ga-graduate. Nagkaroon ako ng problema nang ligawan ako ng isang biyudo. Sinagot ko siya. For the first time after so many years ay umibig ako muli. Pero tutol ang aking mga pamangkin. Natatakot silang may makaagaw sa aking atensiyon. Tiniyak ko naman sa kanila na hindi ko sila pababayaan pero hindi ko sila makumbinsi. Ano ang gagawin ko? Makipag-break na kaya ako sa aking bf?

Dear Mitchy,

Karapatan mo ring lumigaya at ‘yan ay dapat maunawaan ng iyong mga pamangkin. Halos buong buhay mo ay ginugol mo para sa kanila. Ngayong magtatapos na sila pareho ay hindi nila dapat ipagkait ang iyong kaligayahan. Kausapin mo silang mabuti at iyan ang ipaunawa mo sa kanila. Tiyak na maiintindihan nila ang lahat kung ipaliliwanag mong mabuti.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANO

BATA

DEAR MITCHY

DEAR VANEZZA

KARAPATAN

KAUSAPIN

MAKIPAG

MITCHY

NAGKAROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with