‘Haunted hospital’ (3)
“OH MY GOD,†bulalas ni Olga, kitang-kita ang paglalaho ng matandang babae sa mismong tabi niya.
Pinanlamigan siya ng buong katawan, unang pagkakataong nakaengkuwentro siya ng kababalaghan.
Nakita siya ng matandang nurse. “Iha, bakit?â€
“M-may multo ho, katabi ko kanina—unti-unting naglaho.â€
“Nagpakita sa iyo?†May pagtataka sa tinig ng kausap ni Olga.
Tumango ang dalaga. “Kitang-kita ko po siya—matandang babae na nakatungkod, malago ang buhok na nakaladlad, putimputi na…â€
Napalunok ang may-edad nang nurse, na siguro’y singkuwenta anyos na. “N-Nagpakita sa iyo si Aling Tindeng?â€
“Ewan ko po kung ano ang pangalan niya. Nakasimangot po, binati ko pero hindi ako pinansin…â€
“S-si Aling Tindeng nga. Aburido ‘yon. Namatay ‘yon dito habang inooperahan ni Duktor Robles. Ayaw pa n’ong mamatay, inaalala ang maiiwang apo.â€
“Nagpakita na rin po ba sa inyo…?â€
Umiling ang nurse. “Walang multo ritong nagpapakita. Nagpaparamdam lang si Aling Tindeng sa amin ni Duktor Robles at sa mga pasyente, gaya rin ng iba pang multo…â€
Dumating si Doctor Robles, kita sa mukha ang kasiglahan. “Hija, ikaw ba raw ang mag-aaplay na nurse?â€
“A-ako nga po, doc.â€
“Doc, nakita niya ang multo ni Aling Tindeng, ngayun-ngayon lang,†sabi ng matandang nurse.
Tinantiya ng duktor ang dalaga. “Hindi ka natakot, hija?â€
“Takot na takot po. Pero kaya kong labanan, doc.â€
“Kung nakita mo nga si Aling Tindeng, ibig sabihin—may third eye ka. Kami nitong si Nurse Armida, nararamdaman lang ang mga multo rito.â€
“Sabi nga po sa balibalita. Pero desidido po akong mag-aplay na nurse. I really need the job.†Nasa anyo ni Olga ang katatagan ng pasya.
Natuwa ang matandang doktor at ang matanda na ring nurse.
“Ineng, kung walang problema sa papers mo ay tanggap ka na. Welcome to Hope Hospital.†(ITUTULOY)
- Latest