^

Para Malibang

‘Unfaithful bf’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

I’m Carmina, 45, separated. Ang problema ko po ay ang boyfriend ko sa London. Noong una po ay nagwo-work naman ang relasyon namin kahit long distance ito. Kaya lang minsan, dumating sa aming relasyon na nahuli ko siyang may iba pang gf bukod sa akin at kasama niya ito sa London. Masakit po sa akin dahil ang sabi niya wala na siyang ibang karelasyon kundi ako. Medyo na-insecure pa ko dahil mas bata sa akin ‘yun gf niya doon. Nag-break kami for a while at bumalik siya sa akin. Tinanong ko naman siya kung wala na siyang ibang babae sa buhay niya kundi ako at ako na nga lang daw. Kaya lang nahuli ko din sa kanyang facebook na may feelings pa rin siya sa gf niya doon bagama’t sinasabi niyang hiwalay na sila. Muli akong nasaktan at nakipag-break sa kanya. Ngayon ay gustong-gusto ko siyang balikan kaya lang hindi ko na magawa dahil sa sobrang sakit na aking naramdaman. Minsan, gusto kong subukan muli ang bumalik sa kanya, minsan naman ay ayoko na at inis at galit ang nararamdaman ko. Please help me to decide.

Dear Carmina,

Kung isang beses lang niya ginawa ang panloloko sa’yo, maaaring siya ay nagkamali lang pero totoong mahal ka niya. Kaya lang kung ito ay nasundan pa ng ikalawa o marami pang beses, puwedeng ikaw ay pinaglalaruan na lang niya dahil maaaring alam niyang sobrang mahal mo siya. Talagang dumarating sa buhay ng kahit na sino ang masaktan, kaya lang “choice” mo na kung hahaya­an mo na lang lagi na ikaw ay saktan niya. May karapatan kang maging masaya at tiyak na may magmamahal sa’yo ng tapat, maghintay ka lang.

Sumasaiyo,

Vanezza

CARMINA

DEAR CARMINA

DEAR VANEZZA

KAYA

LANG

MASAKIT

MEDYO

MINSAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with