“May Impakta sa tiyan ko” (30)
BUONG bansa na ang naalarma ng kalagimang idinulot ng impakta at ng spaceship nito. Kailangan nang durugin ang taga-ibang planeta.
Pero sa liit at ilap ng kalaban, hirap ang mga tagapagtanggol ng bayan sa paghanap sa mga ito.
Laging nakaharang ang posibilidad na ang impakta ay wala na pala sa paligid, baka tuluyan nang bumalik sa sariling planeta.
Balik sa square one ang problema. Magkakaroon lang ng engkuwentro kung matitiyempuhan ng puwersa ng tao ang taga-ibang planeta.
“Brando, wala ka bang natatanggap na babala o pasabi mula kay Morgama? Palagay mo ba’y babalikan pa ng impakta ang tiyan mo?â€
“Professor Torres, ngayun-ngayon lang, biglang umalarma sa isip ko si Morgama. Parang may wireless text message akong natanggap na ganito ang sabi: ‘brando handa mo tiyan mo papahinga muna ako huwag kang tututol kundi bobombahin ko ang palasyo’.â€
“Aling palasyo?†tanong ng propesor.
“Hindi tinukoy kung anong palasyo, professor. Hindi naman sana ang Malakanyang. Baka naman palasyo ng sekta ng relihiyon—you know, tinatawag ding palasyo ang malalaking simbahan.â€
“Pero, Brando, hindi kaya bungang-isip mo lang ‘yang sinasabi mong text message sa utak mo? Baka gumagana lang ang imahinasyon mo?â€
Umiling si Brando. “Ipapuputol ko ang ulo ko kung gawa-gawa ko lang ang message, professor.â€
Iiling-iling ang propesor. “Walang logic, Brando. Super-modern na taga-ibang planeta, nakadepende lang sa iyong tiyan para mabuhay?â€
“Naitanong ko na rin iyan sa inyo, professor. Wala talagang lohika. Dumayo sa mundo, nambomba at kumain ng tao, ‘yun pala’y sa tiyan ko lang aasa…?â€
Tinitigan ni Professor Torres ang binatang tamad-lasenggo.
Kinabahan si Brando. “Professor, a-ano ba ang binabalak mo?â€
“Brando, maraÂming mamamatay kapag may binombang palasyo si Morgama with her spaceship. Wala nang dapat mamatay na tao, wala nang dapat mawasak na gusali, wala nang dapat mabombang eroplano…â€
“Ano’ng plano, sabihin mo, professor.â€
“Kapag nakapasok muli sa tiyan mo ang impakta, makokontrol na pati spaceship…Ang tiyan mo ang susi ng kaligtasan ng mundo, Brando…â€
Nakaunawa si Brando. “D-dapat akong…mamatay?†TATAPUSIN
- Latest