“May Impakta sa tiyan ko” (27)
UMIIKOT sa ulunan nina Brando at Professor Torres ang spaceship na kalalabas lang sa bunganga ng binata. Parang bubuÂyog na nais mangagat.
Kakaiba ang tunog ng makina nito. WWWRRRRR.
Nakabawi agad sa pagkabigla ang dalawang lalaki. Pinaghahambalos nila ang spaceship; baseball bat ang wasiwas ni Brando, tubong bakal ang kay Professor Torres.
Swissh. Swass. Swasshh. Swisshh-wisshh.
Hindi nila matamaan ang spaceship, kaybilis ng lipad nito sa ibabaw nila. “Umm! Umm-ummm! Hayup ka, tatamaan ka rin naminnn!â€
“Kaah-kaah. Haah-kaaah. Kaahh. †Hanggang sa napagod at hiningal na ang dalawang tagalupa. Hindi talaga tinamaan ang sasakyan ng impaktang taga-ibang planeta.
“Professor, b-baka paputukan na lang niyan t-tayo…â€
“Palagay ko’y hindi, Brando. NaghahaÂnap ‘yan ng malulusutan. Tiniyak kong selyado ang lahat ng exit nitong basement ko.â€
SI MORGAMA alyas Impakta ay nasa covered parking area ng mall. Nakapagkakanlong ito sa dilim, sa ilalim ng mga kotse.
Mayamaya, sunud-sunod nang naplatan ng gulong ang mga sasakyan doon. Tire blow out na maingay. Sumabog ang mga gulong.
Blamm. Blamm. Braamm. Bamm. Bammm.
Sigawan-tilian ang mga tao sa parking. “Aaahh! Eeeee! Binomba tayo! Aaahhh!â€
Kagagawan iyon ng matatalim na ngipin ng impakta. Nagdiriwang ito sa ginawang terorismo. Humahalakhak. “Hyakkk-hak-hak-hakk!â€
SA BASEMENT, marahas na ang spaceship. Nang hindi makalabas ay nambomba na ng kongkretong pader.
BLAAMM.
Gulat na gulat sina Brando at Professor Torres. Yanig na yanig.
Sabog ang sementadong wall. Nabutas.
Buong ginhawang nakalabas na ang spaceship, umikot-ikot sa backyard saka lumabas ng bakuran.
Nakita ito ng mga taong nasa harapan ng bahay.
“WRRRRR.†Nadinig nila ang ingay ng spaceship na super-liit.
Akala’y laruan lamang. (APAT NA LABAS.)
- Latest