Ang glutathione sa iyong katawan
Last part
Tandaan na ang ating katawan ay nakakapag-produce ng malaking bahagi ng free radicals araw-araw, bukod pa ang makukuha sa paligid. Ayon sa mga expert, malakas ang oxidation capacity ng free radicals. Pero ang tamang dami nito ay nagsisilbing bodyguard na pupuksa sa bacteria, mga virus, tutunaw sa lason. Kung sosobra ang free radicals sa katawan, maaaring sisirain nito ang normal substance sa katawan, ang cell structure at maaaring mag-promote ng cell malignancy.
Sa mga pag-aaral, lumilitaw umano na ang free radicals ay malapit na iniuugnay sa coronary heart disease, cancer, aging at iba pang malulubhang sakit. At ang glutathione bilang antioxidant ay sinasabing makakatulong para malinis ang free radicals sa katawan at mapaunlad ang pisikal at mental na kalusugan ng isang tao. Kaya marahil para sa hindi iilang expert, ang glutathione ay itinuturin din na “super antioxidant.â€(Source:http://www.ArticlesFactory.com)
- Latest