Alam n'yo ba?
Alam nyo ba na Enero 19 ang idineklarang National Popcorn Day? Ang mais ay unang tumubo 7,000 taon na ang nakakaraan sa isang mataas na lugar sa Central Mexico. Ang popcorn ang isa sa mga unang menu ng mais. Noong 1946, nadiskubre ni Dr. Percy Spencer ng Raytheon Corporation ang nag-eksperimento ng magnetron, ito ay isang uri ng vacuum tube, napansin niyang biglang natunaw ang isang candy bar sa kanyang bulsa. Nagkaroon siya ng ideya na ilagay ang isang ballot ng mais malapit sa magnetron at ito ay naging popcorn. Ito rin ang naging daan para maimbento naman ang microwave na siyang pinaglulutuan ng popcorn. Sa Southern Utah, isang 1,000 yr. old na popcorn na nakalagay pa sa buto nito ang natagpuan.
- Latest