^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

WALA na namang nakitang alien at spaceship sa tiyan ni Brando ang X Ray. Inasahan na iyon ng binata. “Ganyan nga rin ho sa una kong X Ray.Walang nakita ang radiologist pati duktor.”

Lalo namang naalarma ang propesor. “Maniwala kayo, officer, ako mismo ang nakakita. Sapilitang pumasok ang impaktang taga-ibang planeta sa bibig nitong si Brando!”

“Professor Torres, mawalang galang po pero wala nga kayong ebidensiya,” mahinahong sabi ng awtoridad.

“But this is a matter of national security,” giit ng propesor.

“Ano’ng gusto ninyong gawin namin, professor?” tanong ng awtoridad. Kundi siguro iginagalang na eksperto sa paranormal studies ang propesor, hindi na nila ito pagkakaabalahan.

SA MUNGKAHI ng propesor at sa pagpayag ni Brando, ang binatang may impakta sa tiyan ay ikinulong muna sa guwardiyadong lugar.

Tiniis ni Brando ang alak. Nakipagtulungan siya.

Nakamasid sa di-kalayuan si Professor Torres.

Ang usapan, sa sandaling lumabas ang impakta sa bunganga ni Brando, ang impakta ay agad huhulihin ng awtoridad.

Natatawa ang mga nagbabantay. Tingin kay Brando at sa propesor ay sabay na nagkatopak.

May nag-leak sa media ng nagaganap kaya nagkaroon agad ng field reporters. Pati taga-TV and radio ay nagkainteres.

Para tuloy nagkaroon ng biglaang press briefing ang propesor, sa tabi mismo ng kinakukulungan ni Brando.

“This is not science fiction, ladies and gentlemen. Ako ang nakasaksi sa puwersahang pagpasok ng taga-ibang planeta sa bibig nitong kapitbahay ko. Nasa tiyan niya ang ebidensiyang ang mundo ay napasok na ng Extra Terrestrial being,” diin ni Professor Torres.

“Kung nagkasya sa bibig ang sinasabi ninyong taga-ibang planeta, propesor, ibig sabihi’y super-liit?”

“Small but terrible. Kayang umubos ng buong tao.”

“Hindi po kaya isa lang unidentified reptile ng mundo ang inyong nakita? You know po,  tagarito rin pala sa earth?”

Napailing ang propesor.  “Wala akong magagawa sa ayaw maniwala. Pinaninindigan kong taga-ibang planeta ang nakita ko.” ( ITUTULOY)

               

vuukle comment

ANO

BRANDO

EXTRA TERRESTRIAL

GANYAN

INASAHAN

PROFESSOR TORRES

PROPESOR

X RAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with