Alam n'yo ba?
Alam n’yo ba na ang labanos o white raddish ay ginagamit din bilang pansala o filter sa mga barko ng U.S. noong World War II? Ito ay unang nadiskubre sa China hanggang sa makarating sa Egypt at Greece. Malaki ang pagtingin ng mga taga-Greece sa labanos kaya nagpagawa pa sila ng replica nito na gawa mula sa ginto. Sa America, kinakain nila rito ang labanos ng hilaw lang. Pinakamalaking produksiyon ng labanos sa US ay sa California at Florida. Ang mga hormones sa katawan ng babae ang sanhi kung bakit kakaunti o halos walang tumutubong mga “unwanted hair†sa katawan nito gaya ng balbas o bigote? Tanging ang buhok sa ulo lang ng babae ang pinapayagan ng hormones at glands nito na tumubo at kumapal. Lahat ng tao ay nababalutan ng mga pinong buhok nang siya ay ipinanganak. Pero, ang mga buhok na ito ay naaalis sa oras na maging aktibo na ang sex hormones. Kung ikaw ay lalaki, magiging aktibo na ang iyong male hormones at tutubo na ang bigote sa iyong mukha, pero, kung ikaw ay babae, female hormones naman ang mananalo at mananatili sa iyong katawan.
- Latest