^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

DINALA ng propesor si Brando sa basement nito, tinakpan agad ng duct tape ang bibig ng binatang may impakta at spaceship sa tiyan. Ito’y matapos itali ang kamay at paa ni Brando.

“Hmmp…Hmpp.” Tutol si Brando.

“Para hindi ka makaalis muna, Brando. Pati bibig mo, hindi basta-basta malulusutan ng alien,” sabi ng propesor. “National security risk ka na, nanganganib ang republika, alam mo ba?”

“Hmmp…Hmpp,” patuloy na tutol ni Brando. May ibig itong sabihin na hindi maintindihan ng propesor.

“Brando, dadalhin kita ngayundin sa kinauukulan. Sila ang magpapasya kung paano ka poprotektahan nang hindi makakatakas ang taga-ibang planeta. Para sa bansa ito, o siguro’y para sa buong mundo.

“Kung makakakuha tayo ng impormasyon sa nasa tiyan mong mukhang impakta, posibleng mailigtas natin ang mundo.”

“Hmmp.  Uhmmp.” Ibig sabihin ni Brando, hindi lang sa bibig posibleng dumaan si Morgama—pati na rin sa kanyang puwitan.

At bangungot iyon kay Brando. Pribadung-pribado sa kanya ang puwitan. “Hmmpp. Uummp.”

DINALA na nga ng propesor sa awtoridad si Brando. Gaya ng inaasahan, ayaw siyang paniwalaan.

“Mahirap yatang mangyari ang sinasabi mo, Professor Torres. Baka mademanda tayo ng taong ito ng human rights violation.”

“Hmmpp. Hmmpp.”

“May sinasabi siya, dapat nating marinig,” sabi ng awtoridad na kausap ng propesor. Tinanggalan ng duct tape sa bibig si Brando.

“Totoo ang sabi ni Professor Torres, officer. May impakta sa tiyan ko na nagmula sa ibang planeta.”

Nagkatinginan ang mga awtoridad. Ano ba ang dapat gawin?

Isinalang agad sa X Ray ang tiyan at sikmura ni Brando. Kapag ganitong dalawang tao na ang nagpapatutoo, dapat imbestigahan.

“Posibleng hindi n’yo makikita sa X Ray,” pasubali agad ni Brando, natanggalan na ng tali sa paa at kamay. “Ganoon ang nangyari nang una akong nagpa-X Ray.”

Wala ngang nakitang alien at spaceship sa tiyan. ITUTULOY

vuukle comment

ANO

BRANDO

GANOON

GAYA

HMMP

HMMPP

HMPP

PROFESSOR TORRES

X RAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with