^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (18)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PAGALA-GALA na naman sa tiyan ni Brando ang spaceship ng impaktang taga-ibang planeta. Namrublemang muli ang binatang tamad-lasenggo. Sakaling mapatay na niya si Morgama alias Impakta, may haharapin pa pala siyang makinang lumilipad—sa sikmura niya.

“I don’t think kusang lalabas ang spaceship kung wala na ang sakay. Kung gayo’y alin sa dalawa ang mangyayari—hindi ko muna papatayin ang impakta. O kaya’y magpapaopera ako ng tiyan, para makuha ng mga duktor ang sasakyan ng taga-ibang planeta.” Bubulung-bulong sa sarili si Brando.

Nang lumatag na ang gabi ay natahimik na rin ang spaceship, hindi na tumutunog. Hula ni Brando, nakipag-communicate ang impakta sa spaceship; o baka naman ang kumokontak sa sasakyang pagkalawakan ay ang mismong planetang pinagmulan nito.

Hinahanap na siguro ang impakta at ang spaceship, baka pinababalik na sa sariling planeta.

Lumabas ng bahay si Brando, walang tiyak na pupuntahan. Ang klaro, maghahanap siya ng puwedeng maniwala sa kanya. Isang tao na ewan pa niya kung sino.

SI MORGAMA alias Impakta ay nagpapahinga sa sinapupunan ng kalabaw. Nakasuga na ito sa tabi ng bahay ng pastol, sa bukid na hindi sakop ng kuryente; ang ilawan ay gasera.

Bagong mag-asawa ang nakatira sa bahay sa bukid—ang pastol ng kalabaw at ang misis nitong tindera ng gulay at prutas.

Nasa honeymoon stage pa ang mag-asawa. Abala sa gabing oras ng pagtulog. Wala silang TV at radio; ang tanging libangan ay s-e-x.

Hindi nila pansin ang kalabaw na nakasuga. Ito ay nagbabalisa, may nararamdamang banyaga sa loob ng tiyan.

UNGAAAA.

Napaigtad sa loob ng tiyan ng kalabaw ang impakta, nagulat sa atungal ng kalabaw. Nahirati kay Brando na hindi umuunga.

Ang taga-ibang planeta ay nais nang lumabas. Sapat na ang maraming oras na pamamahinga; dapat na siyang makabalik sa tiyan ni Brando. “Hinihintay na ako ng aking spaceship. Dapat na akong makabalik. Hindi ako tatagal dito sa loob ng dambuhalang hayop…”

Ang hindi matutunan ng taga-ibang planeta, ang tamang daan palabas. Sa puwitan na naman ng kalabaw ito napagawi.

Tiyempong nakita ito ng pastol. “Nakupooo!” (SUBAYBAYAN)

ABALA

BRANDO

BUBULUNG

DAPAT

HINAHANAP

HINIHINTAY

IMPAKTA

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with