“May Impakta sa tiyan ko” (17)
GAPANG na sa panghihina si Morgama alias impakta, palapit sa inaakalang pansamantalang ‘bahay’ sa mundo.
Walang kamalay-malay ang kalabaw na ito ang target ng impakta; tahimik itong nanginginain ng damo sa bukid.
Nakuha pa namang makalundag ng impakta, nakapangunyapit sa may buntot ng kalabaw.
Humanap ng mapapasukan, gapang pa rin.
Ang kalabaw na walang kaimik-imik ay napaigtad, may naramdaman sa hulihang bahagi.
“UUNGAAA!†Kay lakas ng atungal ng kalabaw, siguro’y nakiliti; posibleng nasaktan.
Nakapangalahati na ang impakta sa pagpasok—sa maling pasukan.
Nagkangiwi-ngiwi ito, hindi na makaatras, mamatay-matay sa baho sa dinaanan. Gayunma’y nakatagpo ito ng pansamantalang tahanan na magliligtas sa buhay nito.
Kakailanganin ni Morgama na manatili sa loob ng tiyan ng kalabaw, kahit dalawa-tatlong araw man lang. Magre-recharge muna ng lakas ang taga-ibang planeta.
HABANG naghihintay sa pagbalik ng impakta, tiniyak ni Brando na malaki ang tsansang magagapi niya ito.
Bukod sa gas at posporo, naghanda na rin siya ng makapal na drum na may takip. Plano niyang ikulong doon ang impakta sakaling hindi ito matupok ng apoy.
Zuma style ang gagawin niyang final solution sa mabangis na kaaway.
“Hindi ko mapapatawad ang pagkain mo ng tao, impakta! You must die!†bulong ni Brando sa sarili. Sinadya niyang huwag munang malasing, hinay-hinay lang ang pag-inom ng alak.
Natuto na rin siya ng leksiyon—inilayo sa bote ng alak ang bote ng gas. Hindi na siya magkakamaling mainom ang gas.
Pero nainip na si Brando sa tagal ng paghihintay kay Morgama. Baka naman napatay na pala ito ng mga tao?
Wala siyang balita. Ang alam niya’y nakatakas ang impakta matapos ubusin ang babaing tao.
Wrrrrrr. Nagmumula sa sikmura ni Brando ang mahinang tunog.
“Buhay ang makina ng spaceship sa tiyan ko!†(ITUTULOY)
- Latest