Natural na pag-improve ng eye vision
Last Part
Technique 2
Sa bahaging ito naman ay buksan at padaluyin ang tubig sa iyong gripo, na nasa lababo hanggang sa makuha ang mainit na temperatura (ito ay kung may adjust button para sa temperature ang lababo mo). Maaari rin maging alternatibo ang mag-set ng maligamgam na tubig kung saan bahagyang lamang ang init. Ilubog dito ang malinis na face cloth, humiga at ilagay ang warm cloth pa-krus sa iyong mga mata. Habang nasa ganitong posisyon ay isipin ang mga tao, ang iba’t ibang lugar ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo.
Ang malambot na tela na nasa mukhang ay magiging daan para maibalik sa kanilang sockets ang iyong mga mata at ang mga positibong alaala naman ang magtatanggal ng stress at pagod nito.
Technique 3
Sa huling bahagi ng technique, gawing dominante sa iyong isip ang mga calming memories. Maaaring mga nabanggit nating larawan uli ang gamitin o ang iba pang nakapagdudulot ng kalmadong pakiramdam sa iyo. Pikit ang mga mata ng ilang segundo, huminga ng malalim, buksan ang mga mata at tingnan ang mga magagandang litrato. Gawin ito ng ilang beses kada araw para ma-relax ang iyong mga mata. Sanayin ang iyong mga mata sa mga simple at natural na techniques na ito, sa bawat araw para matulungan itong makapag-relax. Isang positibong hakbang ang eye relaxation para magkaroon ng mas mabuting paningin ang ating mga mata.
- Latest