Erection problem ba o hindi? (2)
May Peyronie’s disease ba? Ang peyronies disease ay pagkakaroon ng umbok sa penis na nagiging sanhi ng impotence. Ang paninikip ng foreskin ay nakakaapekto sa erection at ang pagÂlaki ng dibdib sa paglalagas ng buhok ay senyales ng hormonal problem. Sino ang mas apektado sa problema? Ikaw o ang partner? Pag-usapan ninyo ng iyong partner ang tungkol sa inyong sex life para malaman ninyo kung ano ang inyong gusto at ayaw.
Naninigarilyo ka ba? Panahon na para tumigil ka na sa paninigarilyo kung naaapektuhan na ang sex life. Hindi nangangahulugang maaayos ang problema kapag itinigil ang paninigarilyo ngunit mapipigilan nitong lalong lumala ang problema. Kadalasan ang impotence ay senyales na ang iyong arteries ay unhealthy, kaya itigil ang paninigarilyo para makaiwas din sa atake sa puso. Nagpacheck na ba ng blood pressure at nagpa-test na ba para sa diabetes? Ang mga lalaking may impotence ay may problem sa arteries at high blood pressure kaya magpa-check na ng BP at blood lipids (e.g. cholesterol). (Itutuloy)
- Latest