^

Para Malibang

Si Eva at ang kanyang mga ‘habits’ (2)

Pang-masa

Ito ay huling bahagi ng paksa para malaman ni Adan ang dahilan sa likod ng mga bagay na kinasanayan ng gawin ng lahi ni Eva. Narito pa ang ilang “habits” ng mga kababaihan na minsan ay kinaiinisan ng mga lalaki dahil sa hindi nila alam bakit ito ginagawa ng mga babae.

Pagbili ng bagong damit – Halos lahat ng mga kababaihan ay ginagawa ito kapag may dadaluhang okasyon. Una, magsusukat ng mga damit mula sa kanyang cabinet ang babae at kapag nasukat na niyang lahat ang kanyang mga damit, saka ito magdedesisyon na bibili na lang ng bagong damit.

Ribbons – Walang makakapagpaliwanag bakit gustong-gusto ng mga babae ang ribbon at kung saan-saan nila ito inilalagay bukod sa kanilang buhok. Minsan ay inilalagay nila ito sa kanilang bag, wallet, damit  at sapatos. Kaya hindi mo na dapat pang pagtakhan bakit palaging may dekorasyong ribbon sa katawan o gamit ang mga babae.

Paglilinis at paglilipat-lipat ng gamit – Maituturing ng “habit” ng mga babae ang paglilinis at paglilipat-lipat ng mga gamit. Hindi matatahimik ang babae hangga’t hindi niya nailalagay sa nais niyang puwesto ang  isang gamit. Ang gawaing ito ng mga babae ay talagang pinagtatakhan ng mga lalaki.

Pagbili ng mga gamit sa kusina – Hindi mo na dapat pang pagtakhan bakit palaging bumibili ng mga kutsara at tinidor ang mga babae. Kulang na lang ay punuin nila ang kusina ng iba’t – ibang uri nito. Sa totoo lang hindi mo sila mapipigilang gawin ito. Kaya h’wag ka ng magtangka pang sila ay sansalain sa pagbili nito.

Pagpapalit ng damit – Kung pupuwede lang ay magpapalit ang babae ng kanyang damit sa umaga, tanghali at gabi. Karamihan kasi sa mga babae ay nais na palagi silang maganda, mabango at naaayon sa okasyon ang kanilang suot at itsura. Kaya lang medyo magastos.

“Frenemies” – Natural lang sa mga babae ang pagkakaroon ng frenemies o kaibigan na mas malamang na kaaway. Matiyaga kasi ang babae na makipagplastikan hindi kagaya ng mga lalaki na kung kaaway ay kaaway.

 

vuukle comment

ADAN

BABAE

DAMIT

KAYA

PAGBILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with