Alam n'yo ba?
Charley Horse? Ito ay isang uri ng sakit kung saan ang katawan ay nagkukulang sa potassium. Ang taong nakakaranas nito ay biglaang nawawalan ng lakas sa kanyang binti, kaya ang resulta, bigla na lang siyang bumabagsak. Karaniwang nakakaranas nito ay mga manlalaro o athletes. Mabuti na lang at naimbento ang mga energy drinks na nagtataglay ng mataas na antas ng electrolytes, minerals at potassium. Ang pag-inom din ng energy drink ang pinakamabisang paraan para magkaroon muli ng lakas ang iyong mga binti o hita kung sakaling atakin ng “Charley Horseâ€.
Importante ang potassium sa katawan ng tao dahil hindi gagana ng normal at maayos ang katawan kung kulang nito. Responsible kasi ang potassium para magkaroon ng normal na blood pressure, heartbeat, kidney, muscle movement at balance fluid sa katawan. Maraming pagkain ang mapagkukunan ng potassium gaya ng beans, patatas, kalabasa, saging, avocado, papaya, kamatis at salmon.
- Latest