‘May impakta sa tiyan ko’ (7)
“WALA akong pakialam kung Morgama ang ngalan mo! Duda ko’y kinopya mo ‘yan sa isang karakter sa komiks noong 1980s, hindi original!†galit na sabi ni Brando sa alien. Lasing ang binatang tamad.
“Inaaway mo na ako, Brando? Kaya mo na akong banggain?â€
“Sagutin mo ang tanong ko, impakta, kanino at ano ang iyong irereport!†Muling tumungga ng alak mula sa long-neck si Brando.
“Nasa loob ng tiyan mo ang spaceship ko. Iyon ang, aking headquarters. Siyempre, tungkol sa detalye ng mundo at mga tao ang iuulat ko. Makararating iyon sa aming planeta—sa labas ng inyong daigdig.â€
Hinimay ni Brando sa diwa ang mahabang sabi ng impakta. Kapag pala hindi siya nagsumbong sa kinauukulan, posibleng masakop ng alien ang planeta. Panay ang kanyang lunok. Nawala ang kalasingan.
Ngizzz.
Inilitaw ng impakta ang matutulis-matatalas na ngipin at pangil, nagbabantang lapain ang binata kapag nagmatigas.
Umaandar ang utak ni Brando. Napakaliit ng kanyang kinatatakutan. Bakit ba hindi na lang niya ito paluin ng bote?
“Um! Umm! Ummm!†Pinagpapalo nga niya ang impakta.
Pug-pag-braaak. Krass-pliiinnk.
Nasapol ng mga hataw ang impakta. Nabasag ang bote.
“Aaahh!†Napasigaw si Brando sabay igtad.
Buhay na buhay ang impakta, hindi man lang nagalusan.
“Hyuk-hyuk-hyuukk.†Pinagtawanan nito si Brando.
“N-napakakunat ng katawan mo…napakaÂtigas…†Palapit kay Brando ang impakta; paurong naman ang binata.
“Nganga, Brando!â€
“Hindi…maghanap k-ka ng ibang tiyan…â€
“Nganga sabi! Kundi’y sa puwitan mo ako papasok!â€
Nasapo ni Brando ng dalawang kamay ang puwitan; hindi rin pala katanggap-tanggap sa kanya na doon papasok ang impakta.
Pawisan, nangiÂnginig sa takot na nguÂmanga na si Brando.
“May tama ka na sa baga, alam mo ba ‘yon, Brando? Sa kalalasing mo, papunta ka na sa sementeryo…†sabi ng impakta, nasa bungad na ng bunganga ni Brando. ITUTULOY
- Latest