Alam n'yo ba?
Alam n’yo ba na makakakuha ka ng biÂtaÂÂmina sa pagkain ng insekto? Ang pagkain ng tuyong locusts ay may taglay na 75% na protina, 20% fat habang sa anay naman ay 36% protina at 44% fat. Maaaring iluto ang locust bilang prito, inihaw at nilaga. Usung-uso ang pagkain ng locust sa Africa. Pinapayagan naman ng U.S. Food & Administration na maglagay ng siyam na piraso ng itlog ng langaw at isang uod. Noong ika-100 taong anibersaryo ng New York Entomological Society, naghanda ito ng piniritong crickets at uod bilang meryenda. Tanging mga kulay na pula, berde at asul ang nakikita ng paru-paro. Karamihan ng mga paru-paro ay ginagamit ang kanilang paa para sa kanilang panlasa. Dito nila napag-aaralan kung ang dahon na kanilang tinutungtungan ay magandang pangitlugan.
- Latest