‘Erection Problems’ (2)
Narito ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng problema sa erection, ayon sa embrassingproblems.com
MGA GAMOT- Maraming gamot na maaaÂring makaapekto sa erection tulad ng mga gamot sa ulcer, high blood, prostate, psychiatric conditions. Nakaapekto rin ang mga pampababa ng cholesterol, non-steroidal anti-inflammatory drugs, na tinatawag na NSAIDs.
Ang alcohol at marijuana ay nakakaapekto rin.
KARAMDAMAN. Maraming karamdaman ang nakakaapekto sa erection sa pamamagitan ng pagda-damage sa blood vessels at nerves.
Ito ay ang mga sakit na diabetes, hypertension (high blood pressure), vascular disease (baradong arteries) na may kinalaman sa paninigarilyo, matinding sakit sa liver o atay, thyÂroid disease, neurological conditions tulad ng spinal injury at multiple sclerosis, masikip na foreskin, Peyronie’s disease at sakit sa bato.
Ang cardiovascular disease ay ang pinakakaraniwang sanhi ng erection failure. Ang problema sa erection ay posibleng sintomas na may problema sa arteries.
Sinasabing ang mga lalaking may problema sa erection ay mas malapit sa angina, heart attacks at stroke.
Ang prostate opeÂrations lalo na ang radical prostatectomy ay maaari ring maging sanhi ng impotence.
- Latest