‘May impakta sa tiyan ko’ (3)
KINILABUTAN si Brando. Kitang-kita niya na umaalon-kumikislot ang kanyang tiyan. Hindi ito spasm, alam niya. May kung anong nakabukol na gumagalaw—pababa-pataas sa buong tiyan niya.
“Siyet! A-ano’ng nangyayari sa tiyan ko?â€
Nais niyang isiping ang super-liit na spaceship na nakapasok sa bibig niya ang may gawa nito. Siguro daw ay kontrolado pa ng remote na hawak ng kung sinong tao.
“Putang-ama! Sasapakin ko na talaga ang taong ‘yon!†Nagmamadaling lumabas na ng bahay si Brando, babalikan ang lugar kagabi kung saan siya bumagsak sa kalasingan.
Duda niya’y naroon lang sa tabi-tabi ang may hawak sa remote control. “Huwag kang magpapakita, bugbog-sarado ka talaga!â€
Kahit naka-t-shirt si Brando, halata pa rin ang gumagalaw-galaw na parang bukol sa kanyang tiyan. Kasing laki ng bola ng bilyar ang bukol, umbok na umbok sa flat abs niya.
Natatandaan niya ang poste na nasa tabi ng basurahan sa sidewalk. Doon siya napaupo sa kalasingan-- at nakatulog—na nakanganga. Noon pumasok sa kanyang bunganga ang super-liit na spaceship.
At ngayon nga’y nasa loob pa rin ng kanyang tiyan ang bagay na iyon—na ayaw namang huminto sa paggalaw.
Narating ni Brando ang poste na nasa tabi ng tambak ng basura. Nagpalinga-linga sa mga tao ang binatang lasenggo.
Hindi niya matukoy kung sino ang may remote control.
Inis nang sumigaw si Brando. “Hoy! Kung sino ka mang nang-aabala at namemerhuwisyo sa tiyan ko— suntukan na lang tayo! Magpakita ka!â€
Wala namang nagpakita kay Brando.
Sinita siya ng pulis. “Ano ba ang problema at sumisigaw kang parang nanghahamon ng away, ha, p’re?â€
Napaigtad si Brando, hindi balak makipag-away sa alagad ng batas.
“W-wala po, bossing. Meron lang hong namemerhuwisyo sa ‘kin na hindi ko naman alam kung sino…â€
Walang nangyari sa paghahanap niya.
Pero may naganap nang hatinggabi na. Mula sa tiyan, naramdaman niyang may gumapang pataas—at lumabas sa bunganga niya.
Napasigaw sa sindak si Brando. “Aaaahh!†ITUTULOY
- Latest