Problema sa condom (2)
Ito ay karugtong ng talakayan tungkol sa problema sa condom.
Hubarin ito at subukan uling gamit ang baÂgong condom. Kung natatanggal o parang nahuhubad ang condom o parang bumababa ito, malamang na ang unang iisipin ay malaki ang condom. Sa katunayan, baka nga maliit ito, Kung masikip ang condom. Posibleng
hindi pa ito naa-unroll ng husto.Ibig sabihin, ang ring ng condom ay pumapasok sa vagina ng partner kaya parang nahahatak ito.
Kung tama ang sukat ng condom, ang ring ng condom ay nasa base ng iyong penis at hindi ito papasok sa vagina. Para sa tamang size ng condom, ang pinakamabisang paraan ay trial and
error. Sumubok ng iba’t ibang size ng condom hanggang sa makita ang sakto sa ‘iyo. Hindi naman kasi malalaman kung ang size ng condom
hanggat hindi ito naisusuot. Mahirap kasi tanÂtsahin dahil mahirap masukat ang naka-erect na penis. May mahaba na payat, may maiksi pero
mataba kapag naka-erect. Pagkatapos ng ejaculation, kapag lumambot na ang penis, maaaring
mahubad ng kusa ang condom at matapon ng semen o sperm sa vagina ng partner. Kailangang hawakan ang condom para hindi mahubad kapag
hinugot ang penis.
- Latest