Ang iyong condom (2)
Mga dapat at hindi dapat gawin sa condom. Narito ang tip ng embarrasssingproblems.com sa paggamit ng condom. I-check kung may nakalagay na British Standard Kitemark sa pakete at kung ang expiry date ay 2 year pa. Ang ibig sabihin ng Kitemark, na-test ng tama ito. Karaniwang ang expiry dates ay 5 years pagka-manufacture nito. Piliin din ang may nakalagay na ‘BS EN 600’ – ito ay European standard, na tulad sa British Standard. Kailangang hindi lang isang piraÂso ang condom mo, kasi kung masira ang isa o kung magkamali, may reserba. Mag-ingat sa pagbubukas ng condom – dahil madali itong masira sa ipin, kuko o kaya ay alahas. Mag-ingat sa pag-a-unroll ng condom. Isuot ang condom bago pa man madikit ang penis sa genitals ng iyong partner para makaiwas sa “disgrasyaâ€. Kahit kaunting sperm lang sa entrance ng vagina ay puwedeng mabuntis ang babae. Kahit hindi pa nag-e-ejaculate, may tinatawag tayong ‘pre-cum’ kung saan may lumalabas na kaunting sperm kahit wala pang full intercourse. Hawakan ang condom pagkatapos mag-ejaculate dahil baka mahubad ito kapag lumambot ang penis at tumapon ang sperm. Kapag laging gumagamit ng condom, masasanay sa paggamit nito. Huwag mahiya kung bibili ng condom. Huwag maging kumpiyansa sa mga gimmick ng condom tulad ng glow-in the-dark, musical etc bilang contraception.
Isang beses lang ginagamit ang condom.
Huwag i-flush sa kubeta ang condom pagkatapos gamitin dahil babara ito.
(Itutuloy)
- Latest