Boyfriend ko si kamatayan (16)
PATI sa funeral streamer ay binura ang ‘Lucio’ sa Lucille ‘Lucio’ Mijares. Naging Lucille Mijares na lang ito. Nakadama ng gaan ng kalooban si Lezzy, naniwalang napasaya niya ang kaibigang nasa kabaong.
Ayaw isipin ni Lezzy na guniguni lang niya ang pagdilat ni Lucille nang sansaglit; na ito’y nagreklamo tungkol sa ‘Lucio’. Di ba sabi’y wala nang pakialam sa material na bagay ang isang namatay?
Napabuntunghininga na lang si Lezzy. Basta naninindigan siyang napasaya niya sa huling pagkakataon ang bading.
Sumalit sa isip niya ang boyfriend. “Nasaan na kaya si Negro Angelo? Jeez, ni wala siyang cellphone or landline, dahil hindi raw niya kailangan.â€
Idinidikdik pa rin ni Negro na ito’y hindi ordinaryong tao. Kaya ba wala itong anumang impormasyong personal sa mga records ng gobyerno?
Wala itong data sa NSO, walang SSS, walang GSIS, walang police clearance, etsetera. Pati nga driver’s license ay wala ito gayung nagda-drive ng sariling kotse.
NAIHATID na sa huling hantungan si Lucille. Nagmukmok sa condo unit niya si Lezzy. Miss na miss niya ang kaibigang bading. “Sana ay nasa mabuti kang kalagayan, friend.â€
Miss na miss na rin niyang bigla ang boyfriend, ilang araw na itong hindi niya nakikita sa condo building.
Nakadama siya ng presencia sa loob ng living room.
“May ibang tao...â€
Meron nga. “Negro Angelo? Paano ka nakapasok?â€
“Marunong akong magbukas ng naka-lock na pinto, Lezzy.â€
“Holy chic, maaari ka palang magnanakaw—a thief!â€
Umiling si Negro Angelo. “No, bawal sa akin ang magnakaw, magagalit ang boss ko.â€
“Who is your boss ba? Pilipino? Chinese?...Baka naman Spaniard?â€
Umiling ang boyfriend. “Isinilang si Boss sa middle east, libong taon na ang nakaraan. Para sa akin, universal citizen siya.â€
“Negro Angelo, please, wala ako sa mood na makinig sa fantastic stories mo. Ipinagluluksa ko ang pagkamatay ni Lucille.â€
“Gusto mong makita ang patay mong kaibigang bading, Lezzy? Kung nasaan na siya right now?â€
Kinilabutan si Lezzy sa ideya. (ITUTULOY)
- Latest