^

Para Malibang

Nawawalan ng pag-asa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Emalyn, 26. Nagkaanak ako sa pagkadalaga. Ayaw kilalanin ng bf ko na nakabuntis sa akin ang bata. Galit na galit sa akin ang mga parents ko at mga kapatid. Isa raw akong kahihiyan sa aming pamilya. Nang ipinagbubuntis ko pa lang ang anak ko, nanlamig na sa akin ang bf ko at ayaw nang makipagkita. Hindi na rin siya sumasagot sa aking mga text. Itinakwil ako ng aking pamila at pinalayas. Buti na lang at mayroon akong best friend na may pamilyang maunawain. Sa kanya ako pansamantalang nakikituloy. Parang gumuho na nang tuluyan ang aking mundo at nakakaisip na akong magpakamatay. May solusyon pa ba ang problema ko?

Dear Emalyn,

Pumasok ka sa isang problema na ngayo’y hindi mo alam kung paano mo lalabasan. Hindi sa habambuhay ay puwede kang makipanuluyan sa iyong kaibigan. Darating ang araw na magsasawa rin ang pamilya niya sa pagkupkop sa iyo. Kaya sa dakong huli, sarili mo pa ring pamilya ang makatutulong sa iyo. Maaaring bugso lang ng galit ang dinanas nila dahil sa sinapit mo. Magtiyaga kang sila’y suyuin at pasasaan ba’t lalambot din ang kanilang mga puso. Tungkol sa lalaking nakabuntis sa iyo, charge to experience. Puwede mo rin siyang idemanda. Pero maaabala ka hindi lang sa oras kundi maging sa pinansyal.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

AYAW

BUTI

DEAR EMALYN

DEAR VANEZZA

EMALYN

GALIT

ISA

ITINAKWIL

KAYA

MAAARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with